Friends kame!
Kanina lang may nagtanong saken kung ilan daw yung friends ko sa facebook, and then he asked me if I know them all personally… Medyo nagulat din ako na naka 1024 friends ako considering na ina-add ko lang yung mga kakilala ko talaga.. or nakilala…. And then naisip ko, pano ko nga ba nagiging kaibigan ang isang tao? At naisipan kong isa-isahin ang pinanggalingan nila..

1. Childhood friends. Sila yung mga naging kaibigan ko bago pa ako makahawak ng brick games at family computer. Meaning nakilala ko na sila simula pa nung bata ako. Pwedeng kapitbahay, pinsan, churchmates o yung lagi kong nakakalaro dahil magkaibigan/workmates ang mga magulang namin. Pero at some point habang lumalaki meron ding mga nagbabago or hindi na nagkikita kaya nawawala na ang closeness..
2. Bestfriend number 2. Naalala ko nung elamantary, kailangan namin i-enumerate yung friends namin. Yung number 1 yung pinaka kaibigan mo sa lahat and so on.. parang hanggang number 5 ata yun. Medyo nahirapan ako nun kasi kailangan talaga mamili at natakot ako na baka may selosan pang maganap. hehe! Anyway, sila naman yung mga naging kaibigan ko sa school. Mga nakalaro mo ng 1 by 1, 10/20, jackstone, kasama mong nag imitate sa sailormoon, kay princess sarah at julio/julia. Madami sa mga mag bestfriend eh dahil classmates sila from kindergarten to highschool but in my case, nagpalipat lipat ako ng eskwelahan but still marami sa friends ko ngayon ang dito ko natagpuan. Pero hindi lahat nagla-last lalo na kapag naghiwahiwlay na.
3. Anong sinagot mo sa number 7? Anong score mo? May assignment ka na? Nag aral ka? Ang highschool friends.. Marami saten for sure ang nakahanap ng bestfriend sa mga panahong ito.. Mga nakasama mong nag cut ng class, nagkopyahan ng exam, umiyak, tumawa, kinilig, gumaya kay sanchai at sa f4, nanuod ng got2believe, nag outing at kung anu ano pang kalokohan. Mas lamang ang kalokohan pero sila rin yung mga hindi nakakalimot.
4. May overnight po kami, gagawa ng thesis. During college days naman, natagpuan ko yung mga kaibigan na more serious, since nagmature na, andun parin yung mga kalokohan (tawanan, videoke, outing, sine, fiestahan, gimik) pero mas serious na ang topic sa kwentuhan at mas nagkaron na ng deeper relationship. In my case to ha. Sila yung makakausap ko about more personal things and about life. At sa aking palagay sila yung may tendency na mag-last longer at maka keep in touch. hehe..
5. May facebook ka? May mga kaibigan naman naging kaibigan mo dahil kaibigan sya ng kaibigan mo. Naka hang out mo, nakasama/nakilala mo sa trabaho, nakilala mo sa birthday-han, naka partner mo sa pag abay, kaparehas mo ng school nung college, nakasabay mo sa service, nakilala sa review.. Marami ako nakilala sa mga gantong pagkakataon and eventually naging friends ko na din.
Para saken hindi naman mahirap humanap ng kaibigan. Madalas nagkakasundo kayo because you have a lot in common. Minsan without talking at all, naba-vibes mo na you can be friends, pwedeng yun nga ang nangyayari, pwede ding hindi. Meron din naman yung dine-describe nating hindi natin feel yung isang tao pero at the end sya pala yung makakasundo mo.
And I’m so thankful for all the friends that I have now!
Pero meron din namang mga taong hindi mo inaasahan, sila yung mga kasama talagang isinulat ni God sa kwento ng buhay mo.. Tulad na lang ng isang kaibigan ko ngayon (sa tingin ko naman friends na kame), nakilala ko siya sa isang language class, pero hindi ko manlang sya nakasabay kumain , nakatabi sa upuan or what during those days.. Pero naging blessing sya sa akin at the last moment. Hindi man kame naging classmates for 10 years, or been to a sleepover together, wala man kameng tawagan like bff or something, pero SWEAR! ang first 5 hours naming magkasama eh puro tawanan na parang matagal na kaming magkakilala.. HIndi mahalaga saken kung nagpaplastikan lang kame , haha! because for me being plastic is a good thing.. (right zsa?)
At ngayon May 20, 2012, it’s her Birthday!!!! Happy new year Zsa..!

Sana magtagal pa ang friendship natin at matupad natin ang ating mga pangarap.. na PAG AARTISTA! I love you kahit kunwari lang hahah! Godbless you more and more!
-ogyagen
As I opened my Facebook this morning, a video caught my attention coz almost everybody shared it on their walls and walls of their friends. All of them have their own “vein-rupturing” comments, I don’t know how to describe it (heheh). Anyway, out of curiosity I watched it myself.. But I can’t even finish watching that video, it’s horrible! And I started cursing and thinking of what would I do and like to do to that, i don’t know if I can call her a human being, let’s say to that creature… ‘Twas about a mother who’s beating her helpless child… I know it’s not good to curse and get mad, but I already did. Sorry!
But then I saw this video of a mother having a blind baby boy. Very inspiring, full of love and joy! And now I am like such a crybaby.
Godbless…
-ogyagen
(Source: youtube.com)
Yesterday, some were really pissed off with the unexpected snowfalls.. But look how wonderful God made the next morning.. Isn’t He amazing?
Psalm 118:24 - “This is the day the LORD has made; let us rejoice and be glad in it.”
i-em-ow-ti-ay-ow-en-es
No, Im not being vain, it just happened that, i was reading a magazine and I saw this man having different facial expressions. And I just decided to make my own… :)

Let’s start with this one.. SURPRISED!

SURPRISED, in a sense na may nakita ka sa di tamang lugar at panahon!

GALET! Galet na wala ka ng magagawa kundi magalit..

SIMPLE LANG.. cool lang! hahah

MASAYA! Yung tipong naiihi ka na!

INIS! Alam ko iba pa yung naiinis ka sa galit ka!

eto naman yung HINDI NANINIWALA! hehe, parang„ WEEEHHH????

TAKOT!

ang sabi nito, AAAHHHH!!! yun!

NANDIDIRI! “eeewwwww”

PINIPIGIL ANG TAWA..

eto BILIB! kapag may sense yung kausap mo.. At madami kang natutunan..

eto naman yung SURA! Salitang batangas yan.. Hindi sya galit, hindi din inis! Sura lang, sa katabi!

MALUNGKOT! Parang nanuod lang ng MMK..

eto nanuod ng ONE MORE CHANCE!

NAKAGAT NG ASO!

uuuuyyyy KINIKILIG!

OO NA! whatever!

WORRIED!
At kung bakit at pano ko nagawa to„ dahil ako ay…..

BORED!!!!!
-ogyagen
Proverbs 15:13 - “A happy heart makes the face cheerful, but heartache crushes the spirit.”
1 Peter 1:3
Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ! In his great mercy he has given us new birth into a living hope through the resurrection of Jesus Christ from the dead…
HAPPY EASTER!
It’s the number 7
Seven is my favorite number, di ko alam kung bakit basta alam ko parang may something special sa number na to. Bukod sa seven kami sa pamilya at ang pangalan ko ay binubuo ng seven letters, madami pang bagay sa mundo ang may kinalaman sa seven. Halimbawa, there are seven days a week, 7 wonders of the world, 7 signs of aging, 7 signs of damaged hair, 7 11, 7 things i hate about you ni miley cyrus, snow white and the seven dwarfs,
seven deadly sins, at marami pang iba. Pero ang pinaka mabigat at pinaka matinding dahilan, isa akong kapuso.. ^_^
At dahil ngayon ay March 04, 2012 at hindi March 07, seven months na akong malayo sa lupa kong sinilangan, nalampasan ko na ang kalahating taon.Nahihirapan pa ko sa madaming bagay pero blessed pa rin. At dahil dun, gusto ko i-share ang 7 bagay na dapat kong ipagpasalamat..
1. Sa pag alis ko pa lang sa Pilipinas,alam kong kasama ko na si God, kaya naman hindi ako natakot kahit lahat ng haharapin ko ay first time. Chill lang, sa plane, nakatulog ako ng maayos, nakakain ako ng madami at nakapanuod ako ng movie ni kim at gerald (kaya pinilit kong matulog eh), at sa haba ng byahe, hindi ko manlang nasilayan ang cr ng eroplano. At ang amazing sa lahat, pinakita Nya saken ang ganda ng mundo mula sa taas. Sarap.
2. Akala ko nung una, sa nipis kong ito eh mamamayat pa ko ng sobra dahil sa kakaibang pagkain. Pero hindi, buti na lang matakaw ako, hindi lang halata. Salamat na lang din sa mama sitas… ;-)
3. First Christmas, first New year and first birthday away from home.. Malungkot pero blessed pa rin ako dahil sa 3 first na yun, hindi ako nag iisa dahil kasama ko ang ate kong nag iisa. rhyme. And because i have the best comforter, si God.
4. At dahil manipis ako, hindi ko maiwasang ma-imagine ang sarili ko na matigas na sa lamig dahil sa snow.. Pero dahil mahal Nya ako, hindi umabot sa kasukdulan ang lamig at dami ng snow. Para sa mga taga dito hindi yun tama, pasensya na, baka daw kasi mabigla ako eh. ;-)
But still, ang -15 ay hindi ko inakala na araranasan ko sa buhay. hehe. Thank you.
5. At dahil malamig, normal na magka sipon. At kilala ko ang sarili ko kapag nagkakasipon, masamang masama. Sinubukan ng sipon na umatake, pero hindi talaga tumagal. Napadaan lang. Ganun din ang ubo. Thankful talaga ako. Iba talaga pag big time ang Healer.
6. Kung dati may mga hindi normal, ngayon ay normal na. heheh.. hirap ipaliwanag, isipin nyo na lang yung mga normal o regular.
7. Pinaka importante sa lahat, nakakapagtype pa ako sa mga oras na ito. Nakakasurvive pa sa bansa ng mga estranghero. Marami pa akong pagdadaanan, marami pa akong dapat matutunan. Salamat at tapat Ka.
“Give thanks to the Lord, for He is good; His mercy and loving kindness endures forever.” 1 Chronicles 16:34




